131220 / GRADE 1 / TAN / ARALING PANLIPUNAN
Cherie Lou Tan

131220 / GRADE 1 / TAN / ARALING PANLIPUNAN

Ang bawat pamilya ay may pinagmulan. Napahahalagahan natin ang ating pinagmulan sa pamamagitan ng pagkilala at pag-alam sa ugnayan ng bawat kasapi nito. Bilang isang pamilya tayo ay may pinahahalagahan. Mga pangyayaring maaring nagdudulot ng lungkot at saya sa bawat isa. Mga kaganapan na nagpapatibay sa isang masayang tahanan.

Maligayang araw sa iyo mahal naming mag-aaral!

Handa ka na ba sa bago mong aralin sa linggong ito?

Ang modyul na ito ay nahahati sa apat na aralin:

Aralin 1 – Ang Family Tree

Aralin 2 – Ang Aking Pinagmulan

Aralin 3 – Ang Timeline

Aralin 4 – Mga Mahahalagang Pangyayari sa

Aking Pamilya

Panapos na Pagsusulit

Pinakamahalagang pamantayan sa pagkatuto:

1. Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa pamamagitan ng timeline/Family Tree.